eto na ang aking post patungkol sa UP Fair. Pumunta ako noong Friday the 13th. Loverage III: Break the Curse ang pinuntahan kong bahagi ng UP Fair. Mga alas-6 kami naghintayan. 7 na nung nasa pila kami. at 8:00 kami nakapasok, dahil ang haba ng pila. Kasama ko... close friends kong blockmates (na nagdala din ng friends nila sa hayskul.) Banas nga kami dahil nung nakapasok na kami, katatapos lang tumugtog ng itchyworms. Tae.
Ang masaklap, nawala ako dahil sa dami ng tao. So, nag-ikot muna ako. Tinignan ang booth ng org ko, tinignan ang ibang sights ng UP Fair, pati na ata mga urinal sa likod tinignan ko. Nandun yung sinasabi ng prof ko sa English 10: "The Chubibo of Death" (sa sobrang bilis, mamamatay ka daw ng maaga :P)
Nag-try din ako sa barilan ng air rifle. Matagal-tagal na rin kasi akong di nakakabaril ng air rifle. Nahahalata sa kulang ko sa aim. Sa limang balang binigay saken nung mama, iisa lang ang nakatama sa target, na isang toy soldier. At dalawang metro ata ang layo ng toy soldier sa baril ko.
Pagkatapos nun, hinanap ko uli yung mga blockmate ko. Nasa harap pala ng stage, sa bandang kanan, medyo malayo sa moshpit. Nanood kami ng ibang banda. Sobrang LSS ako sa Zelle. Takte. I lab her nah. (irony 'to; malalaman ninyo kung bakit sa ibang blog.)
Nang lumipas, mga 9:30, may kasama kaming kumailangan nang umalis. So sinundo namin siya sa exit. Then, mejo nagkahiwalay kami. Pero may kasama pa rin ako. Yung best friend ko. Wahaha. Kumain kami. Then... pumunta kami kung saan-saan. Nakita ko pa... crush ko... (tas the next day, tinext ko siya, di pala siya pumunta ng fair. Oh well. Doppleganger ata.)
By then, mga 10:30 na. Kinailangan ko nang umuwi. Saktong sakto. Nung umuwi daw ako, soon after, nagkagulo. Riot daw. Nasira yung fence, maraming binato, at may isang pulis na patay daw. Nakow. Thank God.
Kaya ang tanong ngayon: Nabreak nga ba yung curse?
Thursday, February 19, 2009
Sunday, February 8, 2009
Comet goes south: Field Trip sa Banahaw
Siguro sa ngayon malalaman ninyong seryoso akong tao. Ngunit may mga pagkakataong lumalabas ang aking masayahing personality.
Kahapon, field trip namin. Ang saya. Pumunta kami sa bundok Banahaw, ang bundok na sagrado. Grabe. Ibang-iba nung nandun ako. Kahit nakakapagod umakyat ng bundok, pagka-akyat ko doon sa isang cave (sa Kinabuhayan ata), rewarding yung experience.
Ilang oras din ang byahe namen papunta doon. Andami ko pang dala (note to self: ito na ang huling field trip na sobra-sobra ang dala kong pagkain.) na di kasya sa lalagyan ng bag sa taas.
Dahil dumaan kami ng SLEX, at nag-stopover na naman doon sa dinaanan na namin dati, ginawa ko na naman ang nakasanayan: bumili ng kape sa stopover na yon. Siguro kaya sobra kong hyper buong araw dahil sa kapeng iyon.
Nag-lecture ang propesor namin, na nakisama sa bus. Dahil natapos na namin ang panahon ng Kastila (para sa klase ko sa Kasaysayan ang field trip na ito), doon siya nagbase ng lecture sa bus. Buti na lang at maiksi lang ang lecture. Tulog na kasi yung katabi ko.
Nakipagkwentuhan lang naman ako sa iba-ibang tao sa bus habang naghihintay. Mga random na bagay. Anu magagawa ko? Ayoko talaga ng tahimik. At sobrang boring ng biyahe. At nakainom nga ako ng kape...
Nang lumaon nakarating din kami doon. Una naming napuntahan ang samahang Filipino Spiritual Filipino Catholic Church o SFCC. Namangha ako sa hugis-barkong simbahan nila; na ginawa nila sa imahe ng Arko ni Noah.
Dahil nirerespeto ko paniniwala nila, hindi ko susulatin lahat patungkol dito. Sabihin na nating naniniwala sila kay Rizal bilang Kristo. (correct me if i'm wrong, please.) Marami nga silang imahe ni Rizal doon.
Pagkatapos nun, bumaba kami ng 270 na hagdan papunta sa Talon ng Santa Lucia. Doon, may mga nag-alay ng kandila (sa mga ispiritu ng bundok), may mga naligo, at may mga katulad ko na binasa ng aming napakakulit na propesor, nahulog sa batis, at umahon nang basang-basa ang gamit (buti na lang pala hindi ko dinala fountain pen ko; at nakabalot ng plastic ang cellphone ko.)
Ang pagbaba ang madali. Ang pag-akyat... sabihin na nating buong-puso akong nagpapasalamat sa Diyos na nakaakyat pa ako ng buhay.
Bumalik kami sa SFCC upang maghintay ng jeep na magsasakay sa amin sa Kinabuhayan. Doon sa Kinabuhayan, mayroong isang balon na ang mga bato ay naghugis-paa ni Kristo.
Pero hindi iyon ang pinuntahan namin. Pumasok kami sa isang kweba doon. Doon ko naranasan ang mag-duckwalk sa kweba para lang makaabante. Masakit man sa paa, sumarap naman ang pakiramdam noong lumusong na kami sa tubig. Yun nga lang, nadulas ang buddy ko. Buti at 'di siya nasaktan.
Bumili kami ng t-shirt sa tindahan sa tapat ng Samahan ng Tatlong Persona Solo Dios, bilang tanda ng aming pagpunta dito. Gusto ko na ring bumili ng baston doon ngunit mahal ito.
Ang huli naming pinuntahan ay ang Suprema sa Ciudad Mistica de Dios. Doon nagkaroon ng parang question and answer. Ang unang tanong, yung background nila. Ang sabi ng iba kong nabasang blog, Rizalista daw sila. Ngunit noong nagtanong kami, ang sagot ni Suprema, tinuturing nila si Rizal bilang isang bayani lamang.
Napansin namin ang maraming flag ng iba't-ibang bansa sa gate ng Ciudad Mistica de Dios. Ayon kay Suprema, ibig sabihin lang nito ang pinaka-authority ng Diyos, na para sa buong mundo.
Napansin ko rin ang pinaka-templo nila, na ang bubong ay hugis ibon; ayon kasi sa kanila ito ay sumisimbolo sa Banal na Espiritu, na siyang nagbigay ng plano ng Ciudad.
Mabait si Suprema at sinagot naman lahat ng mga tanong namin; kahit noong paalis na kami at naghabol ako ng tanong sa kanya. May nakasulat kasi sa pader nilang "Pagtitiis." Akala ko may iba silang rituwal na pagtitiis; iyon pala, ayon sa kanya, ito ay sumisimbolo sa pagtitiis nating lahat, na kailangan din nating lahat upang mapalapit sa Diyos. Tama nga naman.
Para sa dagdag na ka-alaman, may isang blog ditong naglalarawan sa mga grupo, kasama yung mga samahang napuntahan ko. http://my_sarisari_store.typepad.com/my_sarisari_store/mount_banahaw_rizalista_groups/page/2/ (paalala: naka-copyright ang mga imahe; huwag basta-bastang kumuha. Respeto naman po sa kanila.)
Ito lang masasabi ko: ang pag-akyat ko ay mistikong experience. Gaya ng sinabi ko sa una, ibang-iba makapagakyat doon.
Hindi ako gaano makakapagblog ngayon, sapagka't marami pa akong gagawin.
Siguro pagkatapos na lang ng UP Fair.

Wednesday, February 4, 2009
Iba ngayong araw. Bloggable. Kasama na dito ang reason kung bakit ako nagblog. "Alternative Classroom Learning Experience" o ACLE ngayon. Sa isang taga-UP, masayang araw ito kasi walang klase pag hapon. May mga hinahandang seminar/gawain ang mga organisasyon ng mga estudyante para pumalit sa klase.
Kasama na doon ang org namin, na nagsagawa ng seminar patungkol sa "Mainframe Programming". Bilang app, sumama ako. Ok din siya, sapagka't may natuklasan ako patungkol sa mga higanteng kompyuter na tinatawag na mainframe.
Isang profitable na gawain pala ang pagprogram ng ganung kompyuter. Buti na lang may programming sa course ko (at hindi po ako ComSci/CoE...)
Yun nga lang, feeling ko ibang language ang ituturo sa amin kesa sa COBOL, na siyang ginagamit sa mainframe.
Maaga kami natapos sa seminar na yun. Kaya wala na naman akong magawa. Bigla akong napadaan sa isang usapan na patungkol sa blogs. Pwede palang magpaka-anonymous pag gumagamit ng blog. E ako... Dati, may multiply ako at blog. Meron din akong blogspot account, pero tsaka ko na lang sasabihin, gawa ng aking pagpapakalabo. (di pagpapakalbo please!!!! :P)
Ganito yun. Kilala ako sa blog na yun. E may mga gusto akong sabihin na ayokong malaman ng sinasabihan ko na siya yung sinasabihan ko. Labo 'no? Itong halimbawa.
Sabihin nating naiinlove ako ngayon. E torpe nga ako. Gusto ko bang sabihing mahal ko siya? Oo. Gusto ko bang malaman niya na mahal ko siya? Hindi.
[aside] Speaking of crush, etong napakaweird. Bago mag-ACLE yung org ko, sinamahan ko co-app ko papuntang tambayan. Nakita ko crush ko. Kilala ng co-app kong yun. Pulang-pula ako. Nag-hi pa man din ako. Nahahalata ng co-app kong torpe ako. Tsk, tsk, tsk. Tawang-tawa siya sa akin.
Ngayon, sasabihin ko ba yan sa isang blog kung kilala ako ng mambabasa? Siyempre hindi. Nababasa din ng crush ko yung blog eh. :P [end of aside]
Where was I? So, ayon. Kaya rin ako gumawa ng bagong blog. May anonymity dito eh. Pwede akong magpakabaliw at 'di sirain ang aking reputasyon. MAMIIIIIIIIII!!!!!!!!!!! wahahaha.

First Post. Yey!
Siguro kung may nakakabasa nito, alam na niyang baliw akoh. wahahaha.
Anyway, dahil siguradong wala pang nakakakilala sa akin, magpapakilala muna ako. Pero dahil sobra kong labo, hindi ako ganap na magpapakilala. Labo no? :P
Anyway, isa ako sa libo-libong estudyante ng UP Diliman. Mabait lang si Lord sa akin at nakapasok ako dito.
Freshie po ako, at malapit nang maging sophomore (ilang bwan na lang!)
Mahilig ako sa fountain pens. Great. Maghanap ka na lang ng freshie na adik sa fountain pens. Ako na po iyon.
Aplikante ako ng isang org. Di ko sasabihin kung ano. Masyado nang obvious eh. Onti lang sumasali don...
Bat nga ba "comet" ang pangalan ng blog na to? Me kinalaman sa pag-apply ko... at sa past ko. Yun na yun.
Madali akong mawala sa sarili. Lalo na pag nakita ko crush ko...hayyy.... ;P
Wala akong girlfriend. Ganito kasi. Kung kailan gustong gusto ko na yung girl, mababaliw ako. as in sobrang baliw. Tsaka torpe ako. (narealize ko lang kanina)
Dati di naman ako torpe eh. Yun nga lang... these days natatakot akong mabisto ng crush ko. Last time na nangyari yon, sobrang sama ng nangyari. Kaya ayoko nang maulit.
What else can I say about me? Kristiyano po ako. Isa pang dahilan kung bakit ayokong manligaw: Mas love ko si Jesus. :P
So much for that. Hello world! :P

Subscribe to:
Posts (Atom)