Thursday, March 1, 2012

Lots to write, so little time.

Let's just say the past few weeks have been eventful, to say the least. For one thing, the USC elections, (results of which were posted just a while ago), took place. Another set of things that happened were the lessons in Physics 10. They just kept coming. And each of them were interesting in their own way.

Let's start sa naunang series: Astronomy. If only there was a way to quantify how cool it was to see different constellations, and the beauty of God's stellar creation. Ang astig. I was, like, wow. And the thing is, I could see the stars from the comfort of my own home, using a software called Stellarium (found here: http://www.stellarium.org). Nothing beats looking at the stars outside, though. Lalo na ngayong may alignment of plantes.

Then, there was Magnetism. Here, if there was anything I learned, it was that magnetism is the basis of the storage of the very computer I'm using to type this blog.

After that, ang nagsalita, si Chancellor Saloma. He talked about the economy, science, and technology. It's all for the Philippines. I am more convinced than ever that we could be great - kelangan lang natin ng budget. Eh budget cut ng budget cut. >.< Sayang. See, saan napupunta ang perang pumapasok sa UP? Sa research, among other things. Research spurs technology. And technology is what keeps the economy afloat. Thus, we need a higher state subsidy in order to improve our economy. Which will bring in more money to improve our research, etc, etc. (And this is why we all have to fight for higher state subsidy. And try to earn more money to improve research.)

And after that, the lesson was about holography. Akala ko nung una, yung hologram yung image na nagfoform. Reconstruction lang pala yun. The hologram is the film or glass which contains the reconstruction. Napapaisip ako ngayon: "How hard can it be to make my own holograms?"  All I need is a laser and some holographic film. And a way to stabilize the setup. It was cool to see real holograms, and reconstructions made out of holograms. And to see the Holo Knights in action. Siguro magiging Holo Knight din yung nagturo sa amin nito, na si Dr. Almoro.

Closing the Physics 10 series, masasabi ko lang, na napakacool nitong subject na ito. Walang dull moments. That is why never akong umaabsent sa class na ito. :)

Wednesday, February 8, 2012

Bogart the Explorer from Davao City

Dahil UP ako, natuwa ako nung nakita ko 'tong palabas sa youtube:



Basically, yang si Bogart the Explorer, pekeng Ostralyano, taga Down Under daw kasi (actually Davao nga.)

Super nakakatuwa ang video. Bumisita ba naman sa UP ito. Lolz. ^^

Sunday, February 5, 2012

Complexity Theory. Ganito din kaya sa love?

After a long-ish break, nagkaclass uli sa Physics 10. Awesome! :) The lecture was on Complexity Theory, and the lecturer was Dr. Rene Batac. Magaling din magturo ah. :P So anyway, ayon. It isn't everyday you see a science touching on many other sciences; this one has roots in physics, tapos mukhang maraming statistics involved, and it's branched out to biology, psychology, the social sciences.
Ang ganda ng examples. Think of ants, who walk around without a leader, but are capable of doing complex interactions. Or of people who think for themselves, but as a group, something really good happens.
Or of complex social interactions. Yung tipong nangyayari sa Friendster (does anyone still remember this?), it also has roots in complexity theory. :) Napa-wow ako. WOW LANG TALAGA. :)

In other news, Pebrero na naman. Again. Lagi na lang. So eto wishlist ko this valentines.

1. Sana marealize ng minamahal ko na siya talaga yung minamahal ko. :))
2. Sana mataas grades ko sa susunod na mga exams. (Stat 149, i'm looking at you...)
3. I want chocolates. Kahit ano, basta matamis na chocolates. Plus points if it comes from PEERS, or from yung minemention ko sa number 1. Simpleng "happy valentines" from close friends will also do. :)
4. Sana, kahit sabihin nating beginning of the end ng pagaaral ko sa kolehiyo, masaya pa rin ang pagaaral ko.
5. Sana magkaroon na ako ng job offer, ngayon pa lang. (walang imposible, lalo na sa Stat, at lalo na't graduating ako.)
6. Gusto ko malaman na ang gagawin kong role sa buhay. Pinagdarasal ko ito nang lubos, pero, paunti-unti pa lang pinapakita saken ni God kung saan ako papunta (i.e. punta ka dito Sam, wag ka pupunta dito, wag ka magtrabaho sa kumpanyang ito, etc, etc.)

Come to think of it, hindi ba complex system ang pagmamahal? I wonder if it has rules, like a complex system, na susundan mo lang, magkakaroon ka ng isang magandang relationship. Naks. :))

Friday, January 20, 2012

Banahaw, revisited.


February 8, 2009. Una kong pagpunta sa Bundok Banahaw. About two years later, February 26-27, 2011 (that was about last year), bumalik ako sa Banahaw; ngayon para sa klase sa PI 100 (buhay at mga gawa ni Rizal). Dito mas naliwanagan pa ako sa Bundok Banahaw, kung ikukumpara sa dati. Kasi, overnight yung pagpunta naming Banahaw. Umalis kaming Sabado; pagbalik, Linggo na.

Binalikan ko lahat ng napuntahan ko nung 2009, pero mas tumagal kami, except sa Suprema ng Ciudad Mistica de Dios. Tanda ko nun, hinika ako nung bumaba ako ng Talon ng Santa Lucia. At nanikip dibdib ko nung umakyat ako. Salamat nalang sa Diyos at buhay ako't nakakatayp ng ganitong blog.

Noong 2009, isang buddy lang kasama ko. Noong 2011, may grupo kami: ang pangkat HINDI. Ang epic lang ng grupo namin. Magagaling kami eh. Masasaya pa. :D This time may sarili kaming pix, pero, nasa camera ng mga kagrupo ko (nagdala ako ng maliit na cam, pero nalobat kaagad. fail lang. :|)

Nakapagswimming pa nga kami sa isang talong di ko napuntahan noong 2009. Ang saya mag-cliff diving doon. Buti may kagrupo kaming taga-Varsity Swimming Team ng UP (Hi Kate!) Tapos, nung gabi, medyo nakalimutan ko na nangyari. Kasi naman, nakipaginuman pa kami (Sagot ni Prof. Nilo Ocampo; birthday kasi niya nun.) Antapang ng lambanog. Onti nga lang ininom ko eh.

Doon, sumakay kami sa taas ng jeep. Like this oh (photo from http://www.texaninthephilippines.com:)



I remember a few other things, pero that's for another time. Eto lang masasabi ko in the end: Rizalismo: more fun in the Philippines. Mountain-climbing: more fun in the Philippines. Cliff-diving: more fun in the Philippines. Commuting on top of a jeep: More fun in the Philippines. Talagang it's more fun in the Philippines.

Comet's Revival

Last time na nagpost ako dito, freshie pa lang ako. Kakarampot pa lang kaalaman ko sa buhay UP. Ngayon, graduating na ako. Ilang taon na bang nakalipas? Apat? Nakakamiss din eh.

Short outline lang ng mga nangyari sa akin:

Ayon. Natuloy naman ako sa sinasalihan kong org: ang UP DOST Scholars' Association, o SA for short. Nadagdagan pa ng dalawa: CSSP PEERS volunteer group, kung saan volunteer ako, and UP Campus Crusade for Christ (CCC). Meron pang isa eh. UP Achievers in Mission (church group, aka AIM). So active ako pagdating sa orgs. Dalawang religious (Kristiyano ako, for the record), isang acad, at isang volunteer.

Sa dinami-dami kong nalalaman sa sikolohiya, pede na akong mag-amateur psychologist. Pero pinaninindigan ko pa rin ang aking kursong estatistika.

Noong nagsimula akong magblog, takot akong mapahiya. Ngayon, pakapalan na lang ng mukha. :))

Iba na rin crush ko. Nung freshie kasi ako, onti pa lang kilala ko. Ngayon, onti na lang nakikita ko sa mga friends ko nung freshies pa kami. Nag-iba na kami ng "circle of friends", 'ika nga. Short description ng crush ko? Kristiyano din siya, na sobrang mabait, na ubod ng ganda. Yun lang muna sa ngayon. :)

As for my studies, siguro, maraming ups and downs. May nangyaring mabuti, meron ding masama. Nagkabagsak ako sa isang subject, pero niretake ko, kaya on time pa rin ako gagraduate (if i pass everything I take this sem.)

So bakit ako bumalik? Basically, may klase ako sa pisika (parang si Placido Penitente lang, pero sobrang kabaliktaran ng klase sa pisika noong panahon ni Rizal na katangahan lang ang tinuturo.) Dito, marami kang matututunan. Di lang sa pisika, kundi pati na rin sa buhay, in general.

Isang aside lang: Parang napapansin ko kasing mga pinakamagaling magturo saken ng life skills,
mga nagtuturo ng pisika. Kahit noong hayskul pa lang ako (Hi Ma'am Raya!), puro bagay-bagay tungkol sa pagasenso ng Pilipinas ang itinuro sa akin. Dito din sa UP sa isang klaseng tinatawag na Physics 10 (salamat Ma'am Legara!). :)

Going back, nirevive ko 'tong blog na ito kasi sayang eh. We were supposed to make a blog about physics, the Philippines, the economy, anything. Instead of making a new blog, why not reuse an old one? At least I save bandwidth or server space or something. :)

Inaasahan kong isulat dito: stuff about life in general, science, tapos stuff about the Philippines. Expect more blog posts in the next week, as I post about anything from personal stuff to science to pagiging (mabuting) Pinoy to my love for God, and His love for us.

Thursday, February 19, 2009

Loverage: Break the Fence? :P

eto na ang aking post patungkol sa UP Fair. Pumunta ako noong Friday the 13th. Loverage III: Break the Curse ang pinuntahan kong bahagi ng UP Fair. Mga alas-6 kami naghintayan. 7 na nung nasa pila kami. at 8:00 kami nakapasok, dahil ang haba ng pila. Kasama ko... close friends kong blockmates (na nagdala din ng friends nila sa hayskul.) Banas nga kami dahil nung nakapasok na kami, katatapos lang tumugtog ng itchyworms. Tae.

Ang masaklap, nawala ako dahil sa dami ng tao. So, nag-ikot muna ako. Tinignan ang booth ng org ko, tinignan ang ibang sights ng UP Fair, pati na ata mga urinal sa likod tinignan ko. Nandun yung sinasabi ng prof ko sa English 10: "The Chubibo of Death" (sa sobrang bilis, mamamatay ka daw ng maaga :P)

Nag-try din ako sa barilan ng air rifle. Matagal-tagal na rin kasi akong di nakakabaril ng air rifle. Nahahalata sa kulang ko sa aim. Sa limang balang binigay saken nung mama, iisa lang ang nakatama sa target, na isang toy soldier. At dalawang metro ata ang layo ng toy soldier sa baril ko.

Pagkatapos nun, hinanap ko uli yung mga blockmate ko. Nasa harap pala ng stage, sa bandang kanan, medyo malayo sa moshpit. Nanood kami ng ibang banda. Sobrang LSS ako sa Zelle. Takte. I lab her nah. (irony 'to; malalaman ninyo kung bakit sa ibang blog.)

Nang lumipas, mga 9:30, may kasama kaming kumailangan nang umalis. So sinundo namin siya sa exit. Then, mejo nagkahiwalay kami. Pero may kasama pa rin ako. Yung best friend ko. Wahaha. Kumain kami. Then... pumunta kami kung saan-saan. Nakita ko pa... crush ko... (tas the next day, tinext ko siya, di pala siya pumunta ng fair. Oh well. Doppleganger ata.)

By then, mga 10:30 na. Kinailangan ko nang umuwi. Saktong sakto. Nung umuwi daw ako, soon after, nagkagulo. Riot daw. Nasira yung fence, maraming binato, at may isang pulis na patay daw. Nakow. Thank God.

Kaya ang tanong ngayon: Nabreak nga ba yung curse?

Sunday, February 8, 2009

Comet goes south: Field Trip sa Banahaw

Siguro sa ngayon malalaman ninyong seryoso akong tao. Ngunit may mga pagkakataong lumalabas ang aking masayahing personality.

Kahapon, field trip namin. Ang saya. Pumunta kami sa bundok Banahaw, ang bundok na sagrado. Grabe. Ibang-iba nung nandun ako. Kahit nakakapagod umakyat ng bundok, pagka-akyat ko doon sa isang cave (sa Kinabuhayan ata), rewarding yung experience.

Ilang oras din ang byahe namen papunta doon. Andami ko pang dala (note to self: ito na ang huling field trip na sobra-sobra ang dala kong pagkain.) na di kasya sa lalagyan ng bag sa taas.

Dahil dumaan kami ng SLEX, at nag-stopover na naman doon sa dinaanan na namin dati, ginawa ko na naman ang nakasanayan: bumili ng kape sa stopover na yon. Siguro kaya sobra kong hyper buong araw dahil sa kapeng iyon.

Nag-lecture ang propesor namin, na nakisama sa bus. Dahil natapos na namin ang panahon ng Kastila (para sa klase ko sa Kasaysayan ang field trip na ito), doon siya nagbase ng lecture sa bus. Buti na lang at maiksi lang ang lecture. Tulog na kasi yung katabi ko.

Nakipagkwentuhan lang naman ako sa iba-ibang tao sa bus habang naghihintay. Mga random na bagay. Anu magagawa ko? Ayoko talaga ng tahimik. At sobrang boring ng biyahe. At nakainom nga ako ng kape...

Nang lumaon nakarating din kami doon. Una naming napuntahan ang samahang Filipino Spiritual Filipino Catholic Church o SFCC. Namangha ako sa hugis-barkong simbahan nila; na ginawa nila sa imahe ng Arko ni Noah.

Dahil nirerespeto ko paniniwala nila, hindi ko susulatin lahat patungkol dito. Sabihin na nating naniniwala sila kay Rizal bilang Kristo. (correct me if i'm wrong, please.) Marami nga silang imahe ni Rizal doon.

Pagkatapos nun, bumaba kami ng 270 na hagdan papunta sa Talon ng Santa Lucia. Doon, may mga nag-alay ng kandila (sa mga ispiritu ng bundok), may mga naligo, at may mga katulad ko na binasa ng aming napakakulit na propesor, nahulog sa batis, at umahon nang basang-basa ang gamit (buti na lang pala hindi ko dinala fountain pen ko; at nakabalot ng plastic ang cellphone ko.)

Ang pagbaba ang madali. Ang pag-akyat... sabihin na nating buong-puso akong nagpapasalamat sa Diyos na nakaakyat pa ako ng buhay.

Bumalik kami sa SFCC upang maghintay ng jeep na magsasakay sa amin sa Kinabuhayan. Doon sa Kinabuhayan, mayroong isang balon na ang mga bato ay naghugis-paa ni Kristo.

Pero hindi iyon ang pinuntahan namin. Pumasok kami sa isang kweba doon. Doon ko naranasan ang mag-duckwalk sa kweba para lang makaabante. Masakit man sa paa, sumarap naman ang pakiramdam noong lumusong na kami sa tubig. Yun nga lang, nadulas ang buddy ko. Buti at 'di siya nasaktan.

Bumili kami ng t-shirt sa tindahan sa tapat ng Samahan ng Tatlong Persona Solo Dios, bilang tanda ng aming pagpunta dito. Gusto ko na ring bumili ng baston doon ngunit mahal ito.

Ang huli naming pinuntahan ay ang Suprema sa Ciudad Mistica de Dios. Doon nagkaroon ng parang question and answer. Ang unang tanong, yung background nila. Ang sabi ng iba kong nabasang blog, Rizalista daw sila. Ngunit noong nagtanong kami, ang sagot ni Suprema, tinuturing nila si Rizal bilang isang bayani lamang.

Napansin namin ang maraming flag ng iba't-ibang bansa sa gate ng Ciudad Mistica de Dios. Ayon kay Suprema, ibig sabihin lang nito ang pinaka-authority ng Diyos, na para sa buong mundo.

Napansin ko rin ang pinaka-templo nila, na ang bubong ay hugis ibon; ayon kasi sa kanila ito ay sumisimbolo sa Banal na Espiritu, na siyang nagbigay ng plano ng Ciudad.

Mabait si Suprema at sinagot naman lahat ng mga tanong namin; kahit noong paalis na kami at naghabol ako ng tanong sa kanya. May nakasulat kasi sa pader nilang "Pagtitiis." Akala ko may iba silang rituwal na pagtitiis; iyon pala, ayon sa kanya, ito ay sumisimbolo sa pagtitiis nating lahat, na kailangan din nating lahat upang mapalapit sa Diyos. Tama nga naman.

Para sa dagdag na ka-alaman, may isang blog ditong naglalarawan sa mga grupo, kasama yung mga samahang napuntahan ko. http://my_sarisari_store.typepad.com/my_sarisari_store/mount_banahaw_rizalista_groups/page/2/ (paalala: naka-copyright ang mga imahe; huwag basta-bastang kumuha. Respeto naman po sa kanila.)

Ito lang masasabi ko: ang pag-akyat ko ay mistikong experience. Gaya ng sinabi ko sa una, ibang-iba makapagakyat doon.


Hindi ako gaano makakapagblog ngayon, sapagka't marami pa akong gagawin.

Siguro pagkatapos na lang ng UP Fair.